Hirit na dagdag contact tracers at swabbing personnel na itatalaga sa mga paliparan, inaprubahan ng IATF

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyong mas palakasin pa ang screening and surveillance effort ng pamahalaan sa mga paliparan.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, layon nitong kumuha ng dagdag na personnel na gagamitin sa contact tracing at swabbing na ipoposisyon sa entrada ng mga paliparan.

Kabilang din sa inaprubahan ay ang pagkakaroon ng one-stop shop para sa pagpapatupad ng magkakaparehong sistema sa lahat ng gateway ng paliparan.


Bukod dito, inaasahang maipatutupad na rin ang inbound flight crew protocol.

Dito ay obligado ang mga inbound flight crew na manatili lang sa kani-kanilang accommodation establishment sa panahon ng kanilang arrival para maiwasan ang posibleng transmission ng covid-19.

Facebook Comments