Walang mangyayaring dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin ngayong panahon ng pandemya.
Ito ang tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) kasunod ng hirit na dagdag-presyo ng mga manufacturer.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, buo at hindi na mababago ang desisyon ni Secretary Ramon Lopez na wala munang magiging paggalaw sa presyo ng mga basic necessities at prime commodities sa mga panahong ito.
Tiwala naman si Castelo na mauunawan ito ng mga manufacturer at sinabing kailangang magtulong-tulong para sa ikakabuti ng mga konsyumer.
Pinayuhan naman ng DTI ang konsyumer na bisitahin ang website ng ahensya para makita ang listahan ng mga produkto at brand na sakop ng Suggested Retail Price (SRP).
Facebook Comments