Hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water, pinag-aaralan na ng MWSS

50

Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Water Sewerage System (MWSS)ang hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water sa water rate ng mga sineserbisyuhan nilang lugar.

Nauna nang nagsagawa ng konsultasyon at rate rebasing process ang Maynilad na susundan naman ng Manila Water.

Sa ngayon, hindi pa batid kung magkano ang magiging dagdag-singil pero tinatayang aabot sa P80 billion ang ginastos ng Maynilad na kailangang bawiin sa mga customer habang nasa P20-billion naman ang nagastos ng Manila Water sa kanilang mga proyekto.


Samantala, nilinaw naman ng MWSS na kailangan pa nilang pag-aralan ang hirit ng dalawang water concessionaire at tiniyak na hindi bibiglain ang mga consumer sa panibagong water rate adjustment.

Facebook Comments