Rotational brownout at panibagong taas-singil sa kuryente, ibinabala ng Meralco

61

Nagbabala ang Meralco sa posibilidad na magkaroon ng rotational brownout kung titigil sa pag-susuplay ng kuryente ang dalawang malaking power plant sa Luzon.

Ito ay sakaling hindi pagbigyan ang hirit ng Meralco at ng dalawang power plant na i-adjust ang kontrata para masalo ang pagtaas ng presyo ng krudo na nagpapatakbo sa mga planta.

Ayon kay Meralco Regulatory Management Head Ronald Valles, kung mayroon man aniya silang makuha na bagong planta ay mas mataas naman ang presyo at mas malaki ang babayaran ng mga konsyumer kumpara sa kini-claim ng San Miguel Corporation na P5.25 billion.


Gayunpaman, tutol dito ang grupong Power 4 People sa petisyon ng Meralco at San Miguel dahil paglabag umano ito sa kontrata.

Samantala, bukas naman ang Energy Regulatory Commission (ERC) na pag-aralan ang hirit ng Meralco at dalawang power plant lalo’t may epekto ito sa singil sa kuryente sa gitna ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Facebook Comments