Hirit na dagdag sweldo ng mga guro, pinag-aaralan pa ng administrasyong Marcos

Pinag-aaralan pa ng administrasyong Marcos ang hiling na dagdag sweldo ng mga guro.

Sa ambush interview ng media kanina sa Brigada Eskwela kick-off sa V. Mapa High School — sinabi ni DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte-Carpio na may nauna nang iniutos si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na pag-aralang maigi ang usaping ito.

Ayon kay VP Sara, nais ng pangulo na magresulta ito sa long-term outlook o pang matagalang solusyon at hindi lang taunang dagdag-sahod para sa mga teaching at non-teaching personnel.


Kabilang aniya sa mga ikinokonsidera sa pag-aaral ay ang sa inflation at forecast ng economic indicators sa mga darating na panahon.

Nauna nang ipinangako ni Pangulong Marcos ang pagtaas ng sahod ng mga guro noong kampanya.

Matatandaang noong January 2023 ay nagkaroon ng pagtaas sa Salary Standardization Law kung saan kabilang sa mga nadagdagan ang sahod ay ang mga guro.

Facebook Comments