Panukalang ipangalan kay dating Sen. Miriam Defensor-Santiago ang Agham at BIR road, pasado na sa Senado

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang House Bill 7413 o ang panukalang palitan ang Agham Road at BIR Road sa Quezon City ng “Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue”.

Inaprubahan ng Mataas na Kapulungan ang bersyon ng panukala ng Kamara, sa botong 22 na pabor, wala namang tumutol at wala ring abstention.

Sa ilalim ng panukala, ang pangalan ng Agham Road at BIR Road, o mula sa kahabaan ng North Avenue tawid hanggang Quezon Avenue hanggang East Avenue, ay pinapapalitan sa pangalan ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago.


Sinaksihan ng asawa ng dating senadora na si Atty. Narciso Santiago ang pag-apruba ng mga senador sa panukala kung saan lahat din ng mga mambabatas ay nagpahayag na maging co-author ng panukala.

Facebook Comments