Hirit na gawing krimen ang red-tagging agad tinabla ng liderato ng Senado

Agad kinontra ni Senate President Tito Sotto III ang hirit na gawing krimen ang red-tagging o pag-akusa sa isang grupo o indibidwal bilang kasapi o kaalyado ng rebeldeng grupo.

Sa tingin ni SP Sotto, malabo rin itong maisabatas dahil kapag ginawang krimen ang red-tagging ay parang gagawin na ring krimen ang name-calling.

Punto pa ni Sotto, paano naman ang nag-aakusa ng pagiging pasista, narcissist at dilawan.


Payo ni Sotto, magsampa na lang ng kasong libelo ang mga nasasaktan sa red-tagging.

Dagdag pa ni Sotto, hindi naman exempted sa libel charges ang mga taga-gobyerno tulad ng mga security officials na syang inirereklamo ng red-tagging.

Sa ginawang pagdinig ng Committee on National Defense and Security na pinamunuan ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, ay iginiit ng security officials ng pamahalaan na truth tagging at hindi red-tagging ang kanilang ginagawa.

Anila, ito ay para mapigilan o mabigyang babala ang mga kabataan laban sa recruitment para sila ay maging kasapi ng rebeldeng grupo.

Facebook Comments