Hirit na P15 minimum na pasahe sa jeep, pinag-aaralan na ng LTFRB

Pinag-aaralan na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng ilang transport groups na itaas pa sa P14 hanggang P15 ang minimum na pasahe sa jeep.

Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, magkakaroon ng huling pagdinig ang ahensya sa mga naturang petisyon sa Hunyo 28.

Bukod sa pagtaas ng minimum na pasahe sa jeep, itinutulak din ng mga transport groups na itaas sa P2.50 ang pasahe sa bawat susunod na kilometro.


Samantala, nagsasagawa na rin ng pinal na pagdinig ang LTFRB para sa petisyon ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) na dagdagan ang kanilang flagdown rate at pamasahe sa kada kilometro at minuto.

Nilalaman ng petisyon ang hirit na dagdag P40 hanggang P55 na flagdown rate sa Sedan habang P50 hanggang P70 sa AUV at SUV; at P30 hanggang P40 sa hatchback.

Facebook Comments