PCG, namahagi na rin ng inuming tubig sa mga residenteng apektado ng patuloy na pag-alburoto ng Mt. Bulusan sa Sorsogon

42

Namahagi na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng malinis na tubig sa mga residente sa Sorsogon na apektado ng pagsabog ng Mt. Bulusan.

Partikular sa mga residente ng Barangay Lajong, Juban, Sorsogon katuwang ang Juban LGU.

Kasabay nito ang patuloy na clearing operations sa mga kalsada na natabunan ng abo mula sa Mt. Bulusan.


Patuloy rin na naka-monitor ang PCG sa mga aktibidad ng bulkan para sa posibleng mga paglilikas sa mga apektadong residente.

Facebook Comments