Hirit na pakawalan na si De Lima, walang katuturan – Palasyo

Manila, Philippines – Non- sense ayon sa Palasyo ng Malacañang ang panawagan ng isang mambabatas ng Estados Unidos na pakawalan na si Senadora Leila de Lima matapos na  makadalawang taon na ito sa kulungan.

Ang hirit ay ginawa, partikular ni Senator Marco Rubio na idinaan sa tweeter nito na may #FreeLeilaNow at #ExpressionNOTOppression.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo, walang katuturan ang naturang pahayag kaya at hindi na aniya dapat pang patulan.


Sabi ni Panelo, hindi sila sumasagot sa mga non sense na pahayag kagaya ng kay US senator Rubio na nagsabi ring bogus ang mga isinampang kaso kay De Lima.

Nito lamang Abril ay una ng humirit si Rubio ng pagpapalaya kay de Lima kasama ang apat pang ibang senador ng Amerika.

Facebook Comments