Hirit na TRO ng isang senatorial aspirant, kinatigan ng Korte Suprema

133

Kinatigan ng Korte Suprema ang hirit na Temporary Restraining Order (TRO) ng isang senatorial aspirant matapos ang pagkansela ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) at pagdeklara sa kanya bilang nuisance candidate.

Sa dalawang-pahinang resolusyon ng Supreme Court En Banc, pinigil nito ang mga nasabing kautusan ng poll body laban sa pagtakbo bilang senador ng petitioner na si Norman Cordero Marquez

Nakitaan ng Supreme Court (SC) ng sapat na porma at substansya ang petisyon ni Marquez na kumukuwestiyon sa pagdeklarang nuisance candidate at pagbasura sa COC nito.


Inatasan din ng Korte Suprema ang COMELEC na magkomento sa petisyon ni Marquez sa loob ng 10 araw.

Facebook Comments