Hirit ng Metro Manila mayors na magkaroon ng kahit isang paaralan sa kada lungsod sa NCR na maisasama sa pilot implementation ng face-to-face classes, hindi babalewalain ng IATF

Bukas ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa gusto ng Metro Manila mayors na isama rin ang ilang paaralan sa National Capital Region sa pilot implementation ng face-to-face classes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hindi nila binabalewala ang panawagan ng mga alkalde.

Aniya, ang mga alkalde kasi ang siyang tagapagpatupad ng mga polisiya ng IATF.


Una nang nakipagpulong ang Metro Manila mayors sa Department of Education (DepEd) kung saan humihirit ang mga ito na magkaroon ng kahit isa manlang na paaralan sa kada syudad sa NCR na maisama sa pilot implementation ng face-to-face classes.

Anila, patuloy naman sa pagbaba ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung kaya’t baka pwede itong marekonsidera ng IATF.

Ang pilot implementation ng face-to-face classes ay nakatakdang magsimula sa Nobyembre a-15.

Facebook Comments