Pinag-uusapan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang hirit ng mga kandidato na luwagan ang kampanya.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, may balidong punto naman ang mga kandidato pero kailangan nilang talakayin kung kung hanggang saan ang gagawing pagluluwag.
Aniya, hindi dapat minamadali ang pagluluwag dahil mahirap ng maapektuhan ang sistema ng kalusugan.
Ang dapat aniyang pairalin ng mga kandidato ang pagkokontrol sa kampanya para maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Pinayuhan naman ni Duque ang mga nakakatanda lalo na ang mga hindi pa bakunado na huwag ng sumama sa mga kampanya dahil hindi lang COVID-19 ang maaari nilang makuhang sakit.
Mas mainam din na makipag-fist bump na lang o kumaway ang mga kandidato kaysa makipagkamay, yumakap o bumeso.