Hirit ni Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio na wag isali ang Davao City sa ceasefire at localized peacetalks ok lang kay Pangulong Duterte

 

Walang nakikitang masama ang malakanyang sa kahilingan ni Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio na wag nang isama sa localized peacetalks at ceasefire ng gobyerno  sa pagitan ng CPP NPA NDF ang Davao City.

 

Naniniwala kasi si Mayor Sarah na gagamitin lamang ng komunistang grupo ang mga pagkakataong ito para linlangin ang pamahalaan, palakasin ang kanilang pwersa at saka muling maglunsad ng mga pag atake.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Atty Salvador Panelo para sa pangulo, okay lamang ito, pwedeng pagbigyan ang kagustuhan ni Mayor Sarah, sa katwirang wala pa namang  aktuwal na peacetalks


 

Habang may ganitong hiling si Mayor Sarah, sinabi ni Panelo na tuloy lamang ang ginagawang localized peacetalks sa iba pang mga lugar sa bansa.

Facebook Comments