MANILA – Hinarang ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang mosyon na isailalim sa kustodya ng Senado ang umano’y miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na si Edgar Matobato.Sa liham ni Sen. Leila De Lima kay Pimentel, ipinaliwanag nitong nasa panganib ang buhay ni matobato matapos niyang idawit si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpatay ng mga kriminal, mga Muslim.Pero paliwanag ni Pimentel, wala siyang nakikitang banta sa buhay o kaligtasan ni Matobato.Wala rin aniyang kaugnayan ang mga pahayag nito sa isyu ng extra judicial killings na ini-imbestigashan ng Senado.Bukod sa custody, humirit din si de Lima na bigyan ng legislative immunity si Matobato na kailangan pang desisyunan ng senado.
Facebook Comments