HIRIT SA TAG-INIT | Mga nagbabalak maligo sa Baywalk, pagbabawalan!

Manila, Philippines – Mahigpit ang pagbabantay ng Manila Police District at Philippine Coast Guard sa Manila Bay para mapigilan ang mga nagbabalak maligo sa Baywalk.

Sabi ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, mahigpit nilang binabantayan ang Manila Bay dahil sa reklamo ng mga Manilenyo na ginagawa na namang swimming pool ang Baywalk dahil sa tindi ng init.

Aniya, makakatulong nila sa pagbabantay ang PCG para matiyak na hindi makalulusot ang mga nagpaplanong magswimming doon.


Una nang nagbabala ang DOH sa publiko na iwasan na maligo sa Manila Bay dahil maraming sakit ang makukuha dito.

Payo naman ni Manila Mayor Joseph Estrada na tangkilikin na lang ang mga public pool tulad ng Dapitan Sports Complex, Paraiso ng Batang Maynila, Bagong Buhay Pool, Tondo Sports Complex at Jacinto Ciria Sports Complex.

Facebook Comments