SIKSIKAN | Isa, patay, 3 preso, nahospital matapos mahirapang makahinga sa overcrowded na selda

Caloocan City – Apat na mga bilango sa Caloocan City Jail ang isinugod sa Caloocan Medical Center matapos mawalan ng malay.

Kagabi, tatlong preso ang isinugod sa ospital matapos silang mangitim, mawalan ng malay at halos hindi makahinga.

At kaninang umaga naman ay isa pang bilanggo ang nahirapang huminga at isinugod sa ospital.


Pero idineklarang dead on arrival ang preso na nakilalang si Nelson Sildora.

Ang siksikang selda ang tinitignang dahilan kung bakit nawalan ng malay ang mga preso.

Sa ngayon kasi nasa 170 na bilanggo ang nakakulong sa selda pero nasa 70 lang umano ang kapasidad nito.

Facebook Comments