Manila, Philippines – Haharapin ng Philippine Azkals ang Tajikistan mamayang ala siyete y media ng gabi para sa pinakamalaking laro sa kasaysayan ng football sa bansa.
Kailangan lamang ng Azkals na tumabla sa Tajikistan mamaya sa Rizal Memorial Stadium para makapasok sa kauna-unahang pagkakataon sa Asian Cup na gaganapin sa United Arab Emirates sa susunod na taon.
Nasa unang puwesto ang Azkals sa Group G ng Asian Cup Qualifiers sa kanilang nine points habang nasa ikatlo ang Tajikistan na may pitong puntos.
Unang tinalo ng Azkals ang Tajikistan, 4-3 sa mismong teritoryo nila sa unang round ng qualifiers.
Facebook Comments