HIT&RUNI 6 anyos nabundol ng dumptruck patay!

Patay ang 6 anyos na batang babae matapos mabundol ng mini dumptruck sa Lanao Del Sur.

Sa report mula sa PNP PRO ARMM, kinilala ang nasawing bata na si SAADIYA HADJI MADID HADJI ALI, kinder pupil at residente ng BRGY. KALAKALA, BUADIPUSO-BUNTONG, LANAO DEL SUR.

Sinasabing tumatawid ang bata sa National Highway pasado ala una noong abril a dos ng aksidenteng mabundol ng mini dump truck.


Agad umanong tumakas ang driver ng truck na kinilala lamang sa pangalang Dodong.

Nagpapatuloy naman ang pagpapaalala ng PNP sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga kabataan lalo na sa pagtawid sa kalsada.

Facebook Comments