MECO, tiniyak na ligtas pa ring magtungo sa Taiwan sa kabila ng mga pagyanig

Tiniyak ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na ligtas pa ring bumiyahe ng Taiwan.

Wala ring inilabas na travel advisory ang MECO sa mga Pinoy na tutungo sa Taiwan lalo na sa school break sa Pilipinas.

Samantala, patuloy naman na naka-monitor ang Department of Migrant Workers (DMW) sa development sa Taiwan.


Naka-alerto rin ang Migrant Workers Office ng DMW sa Taipei, Taichung, at Kaohsiung.

Sa dalawang pagyanig kahapon sa Taiwan, wala namang napaulat na may Pinoy na nasaktan.

Facebook Comments