Usap-usapan ngayon ng publiko ang bagong hitsura ng mga pangunahing kalsada at lugar na madalas puntahan sa Maynila.
Ito ay matapos i-utos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang clearing operations sa mga nasabing lugar bilang parte ng kampanya laban sa illegal vendors at maibalik ang kalinisan ng lungsod.
Kaya naman ang ilang commuters at mamimili, ibinahagi sa social media ang resulta ng isinagawang paglilinis ng awtoridad at lokal na pamahalaan.
Ayon kay Mark Adrian, naninibago siya sa kalagayan ng Divisoria ngayon.
Biro ni Aklanong Gala, nananaginip daw ba siya dahil sa wakas puwede nang dumaan ang mga jeep sa mga kalsadang puno dati ng illegal vendors.
Pinasalamatan ni Manila Viral sina Moreno at ang pulisya dahil sa kasalukuyang estado ng Blumentritt.
Ipinakita naman ni netizen Charles ang before and after look ng Carriedo.
from April to today’s Carriedo, Manila. woah there, nice work Mayor @IskoMoreno pic.twitter.com/RCtSzgyGNc
— charles (@charleeeeeess) July 3, 2019
Hiling ng madla, sana hindi ningas-kugon at mapanitili ni Moreno ang nasimulang proyekto.