iFM News Laoag – Tumataas ang bilang ng mga nagiging biktima ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Laoag City sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ito ang kinompirma ni Provincial Health Officer Dr. Rickson Balallio. Ayun sa doktor, malaking banta ito sa kalusugan lalo na ang mga biktimang ayaw magpakunsulta o sumailalim sa mga isinasagawang eksaminasyun.
Sa huling datus ng Provincial Health Office noong Disyembre 2023, nakapagtala ito ng 349 na kaso ng HIV sa lalawigan at pinakamataas ang Laoag City na mayroong 96 reported HIV positive cases.
Lumalabas na karamihan dito ay mga lalaki na may 331 cases at mga babae na may 18 cases ng HIV kadalasan umano ay ang pagtatalik ng lalaki sa kapwa lalaki na may na aabot 302 o 86% sa kabuohan 42 bilang naman sa pakikipagtalik ng lalaki sa babae at may 5 na naitala na hindi pa matukoy ang rason kung saan nakuha ito.
Dahil dito nagpapaala ang lokal na gobyerno at ang Department of Health na sumailalim sa HIV screening ang mga tao na nagkaroon ng multiple partners na posibleng sanhi ng paglipat sa nasabing sakit o sexually transmitted desease.
Libre umano ang HIV test at ang gamot nito. Maliban dito, may confidentiality o hindi maisapubliko ang mga sensitibong impormasyun. | Bernardo B. Ver II via RMN News