Hiwalay na kulungan para sa heinous crimes inmates, muling iginiit ng liderato ng Senado

Iginiit ni Senate President Tito Sotto III na panahon na para magkaroon ng hiwalay na pasilidad para sa mga bilanggo na nakagawa ng karumal-dumal na krimen sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sinabi ito ni Sotto, makaraang makatakas ang ilang preso sa New Bilibid Prison na ang ilan ay convicted sa kasong homicide at may pending case na double murder.

Ang panukalang batas hinggil sa mungkahi ni Sotto ay pasado na sa Kamara at Senado at nakasalang na sa Bicameral Conference Committee.


Nakapaloob sa panukala na sa hiwalay na pasilidad para sa heinous crime inmates ay hindi sila makakatakas dahil wala silang cellphone at malayo sa komunidad.

Binanggit din ni Sotto na sa ilalim ng revised penal code ay pwedeng kasuhan ng “infidelity in custody of prisoner” ang mga banta ng mga inmate na nakatakas.

Facebook Comments