DOH, nakapagtala ng higit 28,000 na kaso ngayong araw

63

Nakapagtala ng 28,471 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 37,070 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,270,758 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 284,458 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 34,892 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,933,338 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 52, 962 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 34 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 16 habang may limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments