Hog deliveries sa Metro Manila mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, mahigit 134,000 na ayon sa DA

Umabot na sa 134,798 na buhay na baboy at 900,731 kilos ng carcass o kinatay na baboy ang nai-deliver na sa Metro Manila mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Pinakamaraming suplay na ipinadala sa NCR ay mula sa Calabarzon partikular mula sa Rizal, Batangas at Quezon na may kabuuang 1,577 heads.

Sinusundan ito ng Western Visayas na may kabuuang 890 heads.


30 pamilihan sa Metro Manila o katumbas ng 922 meat stalls ang nasuplayan ng mga dumating na karne.

Facebook Comments