Lingunan Creek sa Valenzuela City, itinanghal na most improved estero sa Metro Manila ng DENR sa katatapos na Gawad Taga-Ilog

Ginawaran ng pagkilala bilang most improved estero ang Lingunan Creek sa lungsod ng Valenzuela sa isinagawang awarding ceremony ng Gawad Taga-Ilog: “Search for Most Improved Estero sa Metro Manila.”

Ito’y matapos makakuha ng 86.53 points ang Lingunan Creek mula sa 14 na waterways na inilahok ng Metro Manila Local Government Units (LGUs).

Itinanghal naman na first placer ang Park Creek sa Marikina City at 2nd placer naman ang Bangkulasi River sa Navotas City.


Nakuha rin ng Lingunan ang People’s Choice Awards matapos makakuha ng maraming “likes “at “hearts” sa social media.

Ang estero clean up drive ay sinimulan noong 2019 hanggang 2020 bilang bahagi ng kampanya para linisin ang Manila Bay.

Facebook Comments