Hog deliveries sa Metro Manila mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, mahigit 431,000 na

Umabot na sa 431,759 na buhay na baboy at abot sa 3.1 million kilos ng carcass o kinatay na baboy ang nai-deliver na galing sa Metro Manila mula iba-ibang rehiyon sa bansa.

Kabilang na rito ang 3,109 na buhay na baboy at 37,840 kilos ng nakatay na baboy na dumating ngayong araw sa Metro Manila.

Pinakamaraming suplay na ipinadala sa National Capital Region (NCR) ay mula sa Calabarzon na abot na sa 1,227 na buhay na baboy, sinundan ng Mimaropa- 1,039, Central Luzon- 123 at Bicol Region- 500.


Batay sa report ng National Meat Inspection Service (NMIS), nasa 5,498 na baboy ang kinatay ngayong araw at dinala sa mga palengke sa Metro Manila.

Batay sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), naglalaro ngayon ang presyo ng karneng baboy mula ₱320-₱370 at mula ₱340-₱400.

Facebook Comments