“Hold and secure” – ipinatupad naman sa lungsod ng Davao

Manila, Philippines – Naglatag ng mga panuntunan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodriog Duterte ng martial law sa buong Mindanao.

Ayon sa alkalde, kasalukuyang pinaiiral ngayon sa Davao City ang tinatawag na “hold and secure” kung saan mahigpit pa rin ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad sa mga aktibidad sa lungsod.

Sa press briefing kanina, pinayuhan ng alkalde ang mga residente na huwag gumala sa gabi lalo na ang mga kabataan, sa halip ay gawin na lang ang kanilang mga aktibidad sa araw.


Hinikayat din nito ang mga business sector at mga paaralan na mag-invest sa security equipment para mas mapa-igting ang seguridad.

Pinayuhan din ang mga lumalabas sa gabi na laging magdala ng ID para hindi maharang sa mga ipinatutupad na checkpoint sa lugar.

Ayon pa kay Duterte-Carpio, bagama’t kumpirmado ang presensya ng Maute Group sa Davao, wala namang dapat ikabahala rito ang publiko.

Aniya, na-identify na ang mga ito at minamanmanan na ng mga otoridad.
DZXL558

Facebook Comments