Pangulong Duterte, nakabalik na sa bansa mula Russia

Manila, Philippines – Lumapag na sa NAIA ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na nasa Moscow ang Pangulo para sana sa limang araw na official visit nito pero nagdesisyong umuwi nang mas maaga para bisitahin ang mga kababayang apektado ng tensyon ngayon sa Marawi City.

Gayunman, nakausap na rin naman ng Pangulo si Russian President Vladimir Putin.


Naiwan naman ang ilang cabinet members nito sa Russia para lumagda sa iba’t ibang kasunduan.
DZXL558

Facebook Comments