Hold Departure Order laban kay dating PS-DBM Chief Lloyd Lao, nais ng isang senador

Isinusulong ngayon ni Senator Richard Gordon ang pagkakaroon ng Hold Departure Order (HDO) laban kay dating Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM) Chief Lloyd Christopher Lao.

Ito ay matapos makarating kay Gordon ang ulat mula kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na kumuha ng visa si Lao at nais umalis ng Pilipinas.

Ayon kay Gordon, kailangang magkaroon ng HDO ni Lao dahil tutulong pa ito sa gagawing imbestigasyon sa iba pang sangkot sa anomalya.


Agad naman itong ipinarating ng senador kay Senate President Vicente Sotto III na mabilisang pumayag sa suhestiyon.

Matatandaang nakukwestyon ang Department of Health (DOH) dahil sa biglang paglilipat nito ng pondo sa PS-DBM gayong kaya naman ng mga opisyal ng health department na magsagawa ng procurement biddings.

Ang isyung ito ay nakapaloob din sa Commission on Audit (COA) 2020 audit report na ngayon ay patuloy pa ring dinidinig.

Facebook Comments