HOLD DEPARTURE ORDER | Makati RTC, naglabas na ng HDO laban kay suspected drug lord Peter Go Lim

Manila, Philippines – Nagpalabas na si Judge Gina Bibat-Palamos ng Makati RTC Branch 65 ng hold departure order laban kay suspected drug lord Peter Go Lim.

Kasunod ito ng kahilingan ng Dept of Justice may kinalaman sa kasongconspiracy to commit illegal drug trade laban kay Lim at iba pang akusado.

Inatasan din ni Judge Palamos ang Bureau of Immigration na ipatupad ang HDO laban kay Lim para matiyak na hindi ito makakalabas ng bansa.


Bukod kay Peter Go Lim, kasama rin sa nasabing kaso na isinampa ng PNP-CIDG sina Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco at Ruel Malindangan.

Una na ring kinumpirma ni Justice sec. Menardo Guevarra na nakalabas ng bansa si Lim noong Marso subalit nakabalik na ito ng bansa matapos ang short vacation sa abroad.

Nagpalabas na rin ang korte ng warrant of arrest laban kay Lim noong Martes.

Facebook Comments