MAGTUTULONG | NBI at PNP, nagsanib puwersa para hanapin ang umano ay drug lord na si Peter Lim

Manila, Philippines – Magtutulong na ang Philippine National Police at ang National Bureau of Investigation para sa paghahanap sa sinasabing drug lord na si Peter Lim.
Sa briefing sa MalacaƱang ay sinabi ni NBI Deputy Director at Spokesman Atty. Ferdinand Lavin pinakikilos na ng NBI ang lahat ng Regional directors kabilang na ang Metro Manila para tugisin si Lim.

Sinabi naman ni PNP Spokesman Police Sr. Supt. Benigno Durana Jr. na mayroon nang tracker teams ang naghahanap kay Lim at umapela din naman ito sa publiko na huwag magatubiling ipaalam sa kanila sakaling makita nila si Lim o magbigay ng impormasyon sa kinaroroonan nito.

Paliwanag ni Durana, malaking tulong ang anomang impormasyon na maibibigay sa kanila upang mabilis na madakip si Lim.


Naniniwala din naman si Durana at si Lavin na hindi pa nakaaalis ng Pilipinas si Lim na mayroong standing warrant of arrest matapos makataan ng Makati City Regional Trial court ng Probable cause sa kasong pagtutulak ng droga.

Facebook Comments