Holdaper na sumaksak sa isang taxi drayber sa Sampaloc, Maynila – bugbog sarado sa taongbayan

29

Manila, Philippines – Bugbog-sarado ang isang holdaper na suspek sa pananaksak sa isang taxi driver sa Sampaloc, Maynila.

 

Nakapiit na sa Manila Police District ang suspek na si Arnel Lubaton na nangholdap sa driver na si Rolando Santos.

 

Ayon sa pulisya, pinara ng suspek ang taxi ni Santos sa bandang Banaue, Quezon City at saka lamang nagdeklara ng holdup nang marating na nila ang Zone 72, Sampaloc, Maynila.

 

Dito na sinaksak ni Lubaton si Santos ng paulit-ulit pero bago ito tuluyang makatakas ay kinuyog na ito ng taumbayan na nakakita ng pangyayari.

 

Mapalad namang nakaligtas ang biktima habang nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek.

Facebook Comments