Limang tulak, arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa QC

23

Manila, Philippines – Arestado ang limang tulak sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Quezon.

 

Sa ulat ng Kamuning Police Station, unang nahuli sina Janet Villanueva at isang nagngangalang Diane nang maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa isang poseur buyer sa kanto ng E. Rodriguez St. sa Brgy. Immaculate Conception.

 

Narekober sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

 

Sa ibang operasyon naman sa parehong baranggay, nahuli rin sina Jasmine Ambad, Arman Penitrante at Tylon Bautista kung saan nakumpiskahan sila ng apat na sachet ng umano’y shabu.

 

Haharap ang limang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments