Holdaper, sugatan sa entrapment

General Santos City – Sugatan ang isang 25 anyos na holdaper matapos na nabaril ng Polomolok PNP sa isinagawang entrapment operation sa bayan ng Polomolok.

Kinilala ang suspek na si Gerald Estaniel, 25, residenti ng Prk. Mapag-on, Barangay upper Klinan ng nasabing bayan.

Si Estaniel ay naaresto matapos magsumbong sa Polomolok PNP ang dalawang biktima na sina Princess Jayvncy Nuñez, 28, empleyado ng Western Union at residente sa Banga South Cotabato at isang Marlyn Maquiling, 44, residente sa Prk. Olano, barangay Magsaysay matapos silang hinold up ng suspek at ng isa pang kasama nito.


Nagkaroon ng contact ang isa sa dalawang biktima sa suspek matapos nag yayang makipagtalik ang huli sa biktima kapalit ng pagbalik nito ng mga ninakaw nila.

Doon na isinagawa ang entrapment operation.

Unang nagpaputok ng baril ang kasamahan ni Estaniel na naging dahilan ng pagpaputok din ng pulisya.

Natamaan si Estaniel sa kanyang binti habang ang kasamahan nito ay nakatakas.
Sa ngayon inaalam pa ng pulisya kung organisadong grupo ang mga suspek na sangkot sa hold-apan sa nasabing bayan.
DZXL558

Facebook Comments