Mag live –in partner, kalaboso dahil sa droga

General Santos City – Arestado ang mag live-in partner sa inilusad na buy bust operation ng pulisya sa Block 18, Prk. 18, Barangay Fatima Gensan.

Kinilala ang mga suspek na sina Parelie Ponay, 38, at Arvin Arsolon, legal age, residente ng nasabing lugar.

Madaling araw kanina nang isinagawa ang buy bust operation sa bahay ng dalawa na naging sanhi ng pag-aresto sa kanila matapos silang nakunan ng 1 sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P500.00 na buy bust money.


Maliban sa nabiling droga sa dalawa, may walo (8) pang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng pulisya sa bahay ng nasabing mga suspek.

Sa initial investigation ng Fatima Police Station, matagal ng nasangkot sa illegal drug trade ang nasabing mga suspek at matagal na ring sinusurveillance ng PNP. kasong paglabag sa RA 9165 ang kahaharapin ng nasabing mga suspek.

DZXL558

Facebook Comments