Manila, Philippines – Umapela si Committee on EducationVice Chairman Senator Sonny Angara sa mga kasamahang mambabatas na ipasa na angpanukalang magkakaloob ng 20 percent na diskwento sa pamasahen ng mga estudyante hindi laman tuwing may pasok, kundi pati na rin tuwing holiday.
Ang tinutukoy ni Angara ay ang Senate Bill 945, o An Act Institutionalizing the Grant of Student Fare Discount Privileges kahit na sila ay nakabakasyon.
Nakapaloob sa panukala na kahit Sabado, Linggo, Christmas break, Lenten break, semestral break, at buong school summer vacation ay dapati pagkaloob pa rin sa mga estudyante ang 20 pecent fare discount.
Ang nabanggit na discount ay magagamit ng mga studyante sa lahat ng kanilang byahe, tulad sa mga bus, jeep, taxi, LRT, MRT, at kasama na ang pagsakay ng barko o kaya ay eroplano.
Binigyang diin angara na malaki ang maitutulong ng nasabi panukala para maibsan ang pasanin ng mga magulang sa gastos para sa kanilang mga anak na nagaaral, na siguradong babyahe din patungo sa kanilang mga probinsya kapag bakasyon.
Samantala, ngayong ng araw naman ay magsasagawa ng pagdinig ang Committee on Agriculture na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar katuwang ang Committee on Finance na pinamumunuan ni Sen. Loren Legarda ukol sa panukalang libreng serbisyo ng irigasyon.
Holiday fare discounts para sa mga estudyante, isinulong ni Sen. Angara
Facebook Comments