San Miguel Beermen coach Leo Austria, ikinatuwa ang naging performance ng kanilang import sa naging laban kontra Star Hotshots

Manila, Philippines – Ikinatuwa ngayon ni San MiguelBeermen Headcoach Leo Austria ang naging performance ng kanilang import na si CharlesRhodes.
Sa naging panalo ng Beermen laban sa Star Hotshots sascore na 103-97 na ginanap kagabi sa Araneta Coliseum, nakakuha ng 29-points at10-rebounds si Rhodes.
Ayon kay coach Leo, nakuha na ng kanilang import angsistema ng kanilang koponan maging ang chemistry sa teammate nito at ang tunayna laro sa PBA.
Kumpiyansa din si Austria na kayang makipagsabayan ni Rhodessa ibang mga import at malaki din ang tiwala niya sa mga local players tuladnina Chris Ross, Alex Cabagnot, Arwind Santos at June Mar Fajardo.
Sa ngayon, nangunguna sa team standings ang Beermen namay 3-0 win loss record at sunod nilang makakalaban ang mahindra enforcers sa Miyerkules(April 19). 

Facebook Comments