HOLIDAY | Number coding sa Metro Manila, sinuspinde ngayong araw

Sinuspinde na ng MMDA ang pagpapatupad ng number coding ngayong araw sa Metro Manila.

Kaugnay ito ng paggunita ng Eid’l Adha na deklaradong regular holiday at Ninoy Aquino Day na isa namang special non-working day.

Dahil dito, pwede ring bumiyahe ang mga sasakyang ang plaka ay nagtatapos sa mga numerong 3 at 4.


Suspendido na rin ang number coding sa Makati ngayong araw at sa August 27 na isa ring regular holiday.

Facebook Comments