NANLABAN | Drug pusher, patay sa buy-bust sa Bulacan

Bulacan – Patay ang isang drug pusher matapos manlaban sa buy-bust operation ng pulisya sa Balagtas, Bulacan.

Nakilala lang ang suspek sa alyas “Boy”

Nangyari ang transaksyon sa isang palayan sa Barangay Santol kung saan binilhan siya ng poseur buyer ng P500 halaga ng shabu.


Nang magkaabutan na ng pera, nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang customer kaya bumunot siya ng baril at nagpaputok.

Nasawi sa engkwentro si Boy habang nakatakas ang isa niyang kasama sakay ng motorsiklo.
Sinasabing taga-Malolos si Boy at dumarayo lang sa Balagtas para magtulak ng shabu kung saan parokyano niya ang mga nagtatrabaho sa bigasan.

Facebook Comments