HOLIDAY PAY | DOLE, nagpaalala sa tamang pasahod

Manila, Philippines – Muling pinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga empleyado mula sa pribadong sektor kaugnay sa tamang panuntunan ng holiday pay sa Pasko (December 25), Rizal Day (December 30), at Bagong Taon (January 1).

Sa abiso ng DOLE, makakatanggap pa rin ang mga empleyado na hindi magtatrabaho sa mga nasabing araw ng 100% ng kanilang sweldo kada-araw.

Kapag pumasok naman ang empleyado, 200% ang nakukuha nito sa unang walong oras sa trabaho habang mayroong 30% ng kanyang hourly rate sakaling lumampas ng walong oras.


Ang mga nagtrabaho sa mga nabanggit na petsa at natapat pang bilang day-off ay makakatanggap ng dagdag 30% ng kada araw na sahod na 200%.

Kung magkaroon pa ng overtime, magkakaroon pa ng karagdagang 30% ang empleyado sa kaniyang hourly rate.

Facebook Comments