Cauayan City, Isabela- Makakatanggap pa rin ng sahod ang isang manggagawa kung siya ay hindi pumasok at hindi nagtrabaho sa holiday.
Ito ang kinumpirma ni DOLE Regional Information Officer Regienald Estioco sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa Programang Straight to the Point kaninang umaga.
Ayon kay ginoong Estioco, kahit hindi pumasok ang isang manggagawa sa pribadong sector ay makakatanggap pa rin ito ng kanyang sahod maging ang mga manggagawa ng pampublikong sector subalit iba lamang ang kanilang patakaran.
Aniya, nakasaad umano sa batas para sa lahat ng mga manggagawa na sila ay makakatanggap ng sahod sa araw ng pahinga o holiday at double pay naman kung siya ay pumasok sa holiday.
Kaya’t Nananawagan ngayon ang DOLE sa lahat ng mga employer na ibigay ang nararapat na sahod ng kanilang mga empleyado kung sila ay pumasok sa holiday at bukod pa sa kanilang doble pay.
Hinihikayat naman ni ginoong Estioco, ang lahat ng mga empleyadong hindi napapasahuran ng tama sa kanilang holiday pay na magtungo o lumapit sa anumang tanggapan ng DOLE upang maaksyunan umano ito.