Holiday season generally peaceful – PNP

Naging mapayapa ang Christmas season at pagsalubong ng Bagong Taon sa buong bansa.

Ito ang pagtaya ang Philippine National Police (PNP) sa harap ng patuloy na pagpapatupad nang mas mahigpit na seguridad.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana, mas mapayapa ang holiday season 2018 kumpara noong 2017.


Ito ay sa kabila na mga pagsubok na pinagdadaanan ngayon ng PNP sa pagpapatupad ng seguridad.

Batay sa kanilang datos, nakapagtala lamang ang PNP nang isang insidente ng stray bullet o biktima ng ligaw na bala na naitala sa Cagayan de Oro City.

Bumaba rin aniya sa 85 percent ang illegal discharge of firearms incidents o mula sa pitong insidente noong 2017 ngayon ay isang insidente na lamang.

80 percent rin ang ibinaba ng mga biktima ng paputok na mula aniya sa 188 na sugatan noong 2017, ngayong 2018 ay 36 na insidente na lamang.

Nakikitang dahilan ng PNP sa pagiging mas mapayapa ng holiday season 2018 ay dahil sa maaga at patuloy nilang pagpapatupad ng mahigpit na security and safety plan; Ligtas Paskuhan 2018.

Facebook Comments