HOLIDAY SEASON | Mahigit 50,000 mga pasahero umuuwi sa iba’t ibang probinsya – PCG

Umakyat na sa 54,366 ang mga pasaherong lumalabas sa Metro Manila para doon sa mga iba’t ibang lalawigan magdaraos ng kanilang Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ayon sa monitoring ng PCG sa National Capital Region-Central Luzon ay umaabot sa 179 ang lumalabas habang ang Central Visayas ay pumapalo sa 12,355 sa Cebu – 9,106; Bohol – 3,249; Southwestern Mindanao ay 6,224 at sa Zamboanga 1,592; Central Tawi-Tawi – 1,032; Palawan – 87 habang sa Southern Tagalog ay umaabot sa 4,234.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo ang mga pasahero na lumalabas patungong Batangas- ay 2,779
Oriental Mindoro ay 286 Southern Quezon- 902 sa Occidental Mindoro sa 267, Western Visayas- ay 6,136,Antique 62 Aklan- 2,118 at sa Iloilo ay 3,983


Habang sa South Eastern Mindanao naman ay umaabot sa 11,952 na mga pasahero ang lumalabas sa Davao – 11,871 sa Gen San – 81 habang sa Bicol – 1,262 sa Masbate – 21 habang sa Northern Mindanao ay umaabot sa 6,846 sa Eastern Visayas – 1,781 at sa Southern Visayas naman ay umaabot sa 3,283.

Paliwanag ni Balilo kabuuang 54,366 ang mga pasaherong lumalabas Sa Mga Pantalan patungong iba’t ibang mga Lalawigan kaugnay sa kanilang ipinatutupad na ‘Oplan Byaheng Ayos: Pasko 2018.’

Pinayuhan ni Balilo ang mga pasahero na luluwas sa kani-Kanilang Mga Probinsiya na maging mapagmatyag at i-report kaagad sa kanila kapag mayroon silang nalalamang may kahina-hinalang mga bagay o tao sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments