HOLIDAY SEASON | Mga traffic enforcers na magbabantay sa madaling araw, dinagdagan pa

Manila, Philippines – Nagdagdag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga tauhang du-duty para sa graveyard shift dahil sa inaasahang “Carmageddon” habang papalapit ang Pasko.

Mula sa apatnapu, 100 traffic enforcer na ang magmamando ng trapiko sa Metro Manila.

Base sa Global Positioning System (GPS) navigation mobile app na Waze, pinakadagsa ang mga motorista mamayang alas kwatro ng hapon hanggang ala sais ng gabi.


Nagposte na rin ng tatlo hanggang limang enforcers kada bus terminal ang MMDA para matiyak na nasusunod ng mga bus driver ang “Nose in, Nose out policy”.

Kasama ring babantayan ang mga mall ang palengke gaya ng Balintawak market at Nepa-Q mart sa Quezon City.

Patuloy namang ipatutupad ang yellow lane at motorcycle lane kahit holiday season.

Una nang sinuspinde ng MMDA ang number coding ng mga provincial bus mula December 22 hanggang 25.

Facebook Comments