‘Budots Dance Craze’ ng mga trabahador patok sa netizens!

154
Screenshot via Facebook/Jhun Castro Dela Cuesta

Trending ngayon sa Facebook ang video ng mga trabahador na todo hataw sa pagsasayaw habang nagtratrabaho.

Nitong Mayo 21, mapapanood sa Facebook live ni Jhun Castro Dela Cuesta ang mga lalaking umiindak ng Budots habang naghahalo, naghuhulma, at pagbubuhat ng mga semento. Tila hindi inaalintala ang pagod at hirap kahit literal na mabigat ang hanapbuhay nila.


Sinulat niya ang caption na “mainit man ang panahon, mabigat man ang trabaho, dedma lang yan basta ika’y masaya.”

Ang mga hari ng dance floor ay mga trabahador sa pagawaan ng hollow blocks sa Badoc, Ilocos Norte. Ayon sa may-ari ng pagawaan na siyang kumuha ng video, likas na masayahin ang mga tauhan kaya hindi na bago ang ganitong pangyayari.

Shinare ng samu’t-saring Facebook pages ang ‘hollow block makers dance craze’ at umabot na ito sa mahigit 700,000 views.

 

 

 

 

 

 

Facebook Comments

From Advertisers