Hollywood movie na Avengers: Endgame, humahataw sa takilya

Nagtala naman ang Hollywood movie na Avengers: Endgame nang bagong kasaysayan matapos maging highest – grossing opening film sa bansa.

Umabot na kasi ngayon sa ₱205.67 million ang kinita ng nasabing pelikula simula nagbukas ito sa mga sinehan noong Miyerkules; Abril 24.

Binasag nito ang kinita ng Avengers: Infinity War na nakapagtala lamang ng ₱141.6 million sa opening day nito.


May ilang mga sinehan ang nagbukas ng alas-sais ng umaga habang ang iba ay nag-aalok ng 24 hours na bukas matugunan lang ang taas ng demand.

Facebook Comments