Holy Week break, isang magandang pagkakataon para mag-usap ang Senado at Kamara ukol sa panukalang economic charter amendments

Screenshot from House of Representatives Facebook page

Umaasa si Deputy Speaker at Quezon 2nd District Representative David Suarez na sa Holy Week break ng session simula sa susunod na linggo hanggang Abril ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga kongresista at mga senador na makapag-usap nang masinsinan.

Ito ay para talakayin ang panukalang amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution na ipinasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa pero nakabinbin pa rin sa Committee Level ng Senado.

Dagdag pa ni Suarez, maaari ding gamitin ng mga senador ang Holy Week break upang magnilay-nilay kaugnay ng kahalagahan ng Charter Change (Cha-Cha).


Ayon kay Suarez, kung maaprubahan umano ng dalawang kapulungan ang kani-kanilang resolusyon ukol sa Cha-cha ay maisusumite na ito sa Commission on Elections (Comelec) para maitakda ang plebisito.

Facebook Comments