Manila, Philippines – Inaasahang dadami pa ang mga pasaherong dudumog sa Araneta Center Bus Terminal hanggang Miyerkules Santo.
Sa tantya ng pamunuan ng istasyon, nasa 1,500 pasahero ang posibleng sasakay sa mga ordinary bus habang nasa 2,000 hanggang 3,000 naman sa mga air-conditioned bus.
Payo ng pamunuan ng terminal sa mga pasahero, dumating ng isang oras bago ang biyahe.
Pinaalala rin ang mga bagay o gamit na hindi maaring dalhin sa mga bus terminal tulad ng baril, bala, patalim, flammable items maging ang mga livestock tulad ng manok.
Nag-isyu na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga special permit sa mahigit 1,000 bus upang makabiyahe sa laba ng kanila ruta simula ngayong araw hanggang Abril 2.
Kasabay nito, nananawagan ang Malacañang na makipagtulungan ang publiko para panatilihing payapa ang Mahal na Araw.