HOLY WEEK BREAK | Mga palabas ng Metro Manila maging sa bansa, dagsa na; Mahabang pila sa immigration, asahan na

Manila, Philippines – Unti-unti nang nagsisidatingan ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at mga bus terminals na magtutungo sa iba’t ibang lalawigan maging sa ibang bansa upang gunitain ang Semana Santa.

Sa NAIA terminal 3 – mahaba na ang pila dahil sa mahigpit na seguridad na ipinapatupad ng Bureau of Immigration.

Habang sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, fully book na ang biyahe papuntang Visayas, Bicol at Iloilo hanggang march 31 o Sabado De Gloria.


Walang tigil naman ang pag-iinspeksyon ng Philippine National Police sa mga pantalan, paliparan at terminal ng bus upang matiyak ng seguridad ng mga magsisi-uwian.

Sa interview ng RMN manila kay NCRPO Chief. Dir. Oscar Albayalde – aabot sa labing dalawang libong pulis ang nakadeploy na.

Bukod sa police assistance desk, may augmentation force din aniya mula sa Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.

Sa interview ng RMN Manila kay philippne Red Cross Chairman Richard Gordon, sinabi niya na nakapagtala na sila ng mga insidente ng pagkahilo at pagtaas ng presyon.

Noong nakaraang linggo pa ay naka-activate na ang Philippine Red Cross para sa pag-agapaw sa mga biyahero.

Facebook Comments